^

Probinsiya

SJDM, ginawaran ng DILG ng pinakamataas na parangal

Doris Franche-Borja, Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ginawaran ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng pinakatamaas na parangal ang lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte City, Bulacan kasunod ng maayos na pamamalakad ni Mayor Arthur Robes na direktang nagbenepisyo ang mga mamamayan sa buong lungsod.

Kaugnay nito, nagpahayag ng kasiyahan si Mayor Robes sa iginawad ng DILG na Seal of Good Local Governance (SGLG) 2024 na siyang pinakamataas na parangal para sa isang lokal na pamahalaan kasabay ng kanyang pasasalamat sa mga constituents.

Ang SGLG award ay ipinagkakaloob sa mga lokal na pamahalaan na nagpakita ng kahusayan, kasanayan at pagiging masinop sa maraming aspeto ng pamumuno.

Mula sa pagiging kabilang sa isa sa pinakamahirap na bayan noon, ang SJDM ay ikinokonsidera ngayon bilang highly urbanized city sa lalawigan matapos ang pagsusulong nila Mayor Robes, katuwang ang misis na si Lone District Congresswoman Rida Robes, ng mga programang nagpaunlad sa lungsod.

Noong September 10, 2000 nang maging component city ang SJDM sa ilalim ng Republic Act 8797 at noong December 4, 2020, sa bisa ng Proclamation 1057 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay naging highly urbanized city na ang lungsod.

Ang SDJM na may mahigit 700,000 populasyon ay naging sentro na ngayon ng komersiyo at kalakalan dahil sa mga business-friendly policy na ipinatupad ni Mayor Robes.

DILG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with