^

Probinsiya

2 murder suspect utas sa shootout sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
2 murder suspect utas sa shootout sa Quezon
Batay sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ledon Monte, kinilala ang mga napaslang na suspek na sina alyas “Bin Laden”, 38-anyos, ng Barangay 8, Lucena City at alyas “Palos” ng Sariaya, Quezon habang naaresto ang kanilang kasama na si alias “Soya”, 33, walang trabaho at residente ng Purok Talabis, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.
STAR/File

CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Maagang nalutas ng mga otoridad ang kaso ng pamamaril at pagpatay sa isang 20-anyos na binata sa lungsod ng Lucena makaraang maaresto ang isang suspek at napaslang sa armed encounter ang dalawa pang suspek na sinasabing notoryus na murderer kahapon ng mada­ling araw sa Barangay Antipolo, Sariaya, Que­zon.

Batay sa ulat na tinanggap ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Ledon Monte, kinilala ang mga napaslang na suspek na sina alyas “Bin Laden”, 38-anyos, ng Barangay 8, Lucena City at alyas “Palos” ng Sariaya, Quezon habang naaresto ang kanilang kasama na si alias “Soya”, 33, walang trabaho at residente ng Purok Talabis, Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Si alyas Bin Laden ay pangunahing suspek din sa nangyaring pamamaril at pagpatay sa kanyang kapitbahay sa lungsod ng Lucena noong nakaraang buwan.

Batay sa imbestigasyon, habang nasa loob ng kaniyang bahay sa Purok Tanglaw Barrera, Barangay 8 sa lungsod ng Lucena ang biktimang si Michael Joshua Timajo, 20-anyos, at nag-aayos ng ear pods nang sipain ng mga suspek ang pintuan ng kanyang bahay dakong alas-7:15 ng gabi noong Abril 2,2024.

Nang makita ang biktima ay agad siyang pinaulanan ng punglo ng mga suspek na agad nitong ikinamatay, saka mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Agad namang inatasan ni PLt.Col. Ruben Ballera Jr., chief of police ng Lucena City Police si PCapt. Benito Nevera na tugisin ang mga salarin na nagresulta sa pagkakaaresto ng kasamahan ng dalawa na si alyas Soya, 33 ng Barangay Ibabang Iyam.

Sa patuloy na hot pursuit operation ng Lucena Police sa koordinasyon sa Sariaya Police at 1QPMFC, natukoy ng grupo ni Capt. Nevera na sa Brgy. Antipolo, Sariaya, Quezon nagtatago sina alyas Bin La­den at alyas Palos. Nang ­aarestuhin na ang dala­wa ay agad umanong nagpaputok ng baril sanhi ng shootout na ikinasawi ng nasabing mga suspek.

vuukle comment

QUE­ZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with