^

Probinsiya

Mag-ina pinasok, pinagsasaksak: Ginang patay!

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mag-ina pinasok, pinagsasaksak: Ginang patay!
Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at nalagutan ng hininga habang pinipilit na isalba ng mga manggagamot sa San Andres Municipal Health Center ay kinilalang si Leonor Beñegas habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ang anak nitong si Rosalie, 34.
FILE PHOTO

SAN ANDRES, Quezon, Philippines — Patay ang isang 56-anyos na ginang habang malubhang nasugatan ang kanyang anak na babae makaraang pasukin at pagsasaksakin ng lasing na kapitbahay sa Brgy. Tala ng bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan at nalagutan ng hininga habang pinipilit na isalba ng mga manggagamot sa San Andres Municipal Health Center ay kinilalang si Leonor Beñegas habang nilalapatan ng lunas dahil sa tinamong mga saksak sa katawan ang anak nitong si Rosalie, 34.

Tinutugis na at nahaharap sa reklamong murder at frustrated murder ang suspek na nakilala lamang sa alyas na Garry, 36.

Base sa imbestigasyon, habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ina dakong alas-5:30 ng hapon ay pumasok ang lasing na suspek na armado ng gulok at walang sabi-sabing pinagsasaksak si Leonor.

Nang makita ni Rosalie ang ginawa ng suspek sa kanyang ina ay sinubukan nitong tumulong subalit ma­ging siya ay inundayan ng sunud-sunod na saksak saka tumakas.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with