^

Probinsiya

Ex-convict balik-selda sa P6.8 milyong shabu

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-kulungan ang ex-convict matapos makuhanan ng isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa buy-bust ope­ration sa Barangay Mantuyong, Mandaue City, Cebu nitong Biyernes.

Kinilala ang suspek na isang 57-anyos na si “Rakrak” na naaresto ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Mandaue City Police Office (MCPO) sa pakikipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas, Police Regional Office-Central Visayas, at MCPO-Intelligence Unit.

Ayon sa pulisya, ang suspek na residente ng Carcar City, Cebu ay nakulong na mula noong 1984 hanggang 1991 dahil sa pagnanakaw.

Nakulong ulit ito mula 1994 hanggang 2002 dahil sa illegal posession of firearms, at nakulong din noong 2010 dahil sa pagpatay.

Ayon sa mga otoridad, natatanggap ng suspek ang kanyang mga suplay ng illegal na droga mula sa isang preso sa Abuyog Penal Colony sa Abuyog, Leyte.

MCPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with