^

Probinsiya

Lalaki na 10 araw nawala, natagpuang patay sa balon

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Halos hindi na makilala at hiwa-hiwalay na ang katawan ng nawawalang mister nang madiskubre sa isang balon sa Brgy. Halang sa bayan ng Naic, dito, kamakalawa ng hapon.

Sampung araw bago nadiskubre ang katawan ng biktima na nakilalang si Alfredo Rodelas, 45-anyos, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1:15 ng hapon nang madiskubre ng mga barangay officials ng nasabing lugar ang katawan ng biktima na nakalutang sa nasabing balon na may tubig.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, naiulat umano ang biktima na nawawala simula pa noong Nob­yembre 20.

Sa pahayag ng misis ng biktima, alas-5 ng hapon ng Nobyembre 20 nang umalis sa kanilang bahay ang mister at simula noon ay hindi na nakabalik pa.

Ayon naman sa isang residente, namataan umano niya ang biktima sa nasabing balon kung saan naghuhugas pa ng mga kamay. May posibilidad umano na nahulog siya sa balon at dahil sa malalim ito ay hindi na nagawa pang makaahon at tuluyang nalunod.

vuukle comment

NAIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with