^

Probinsiya

Lalaki galing simbahan pinalakol sa ulo, patay sa Pampanga

Philstar.com
Lalaki galing simbahan pinalakol sa ulo, patay sa Pampanga
Satellite image ng Apalit, Pampanga mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking nagdasal sa simbahan matapos palakulin sa ulo ng kanyang kasama nitong Linggo ng gabi sa Apalit, Pampanga.

Sa ulat ng ABS-CBN ngayong Huwebes, sinabi na nanggaling sa pagsamba ang biktima bago ang krimen. Wika ng Apalit police, napag-alamang nagkubli ng palakol sa bag ang 56-anyos na suspek at bigla na lang pinagpapalakol ang biktima sa ulo.

"Itong isang miyembro nila allegedly during the investigation, ay may bumubulong daw sa kanya, na patayin niya yung isang kamiyembro," ani PLt. Col Michael Riego.

"Ang problema, itong suspek natin, nakapasok siya sa church na may dala-dalang palakol na nakapasok doon, nakasilid doon sa bag, sa badminton bag, kaya hindi gaanong nahalata."

Naisugod pa sa Pampanga Premier Hospital ang biktima ngunit idineklara nang nasawi ng attending physician.

Hindi na nagawang makapuslit ang suspek matapos harangan ng mga kasamahan sa simbahan.

Sinampahan ng kasong murder ang suspek kaugnay ng krimen, maliban sa paglabag ng Omnibus Election Code dahil sa pagdadala ng patalim at kasalukuyang nakapiit sa Apalit municipal police station. — James Relativo

vuukle comment

APALIT

CHURCH

MURDER

PAMPANGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with