^

Probinsiya

‘Arrest warrant’ vs 23 akusado sa e-sabong, handang ihain ng PNP

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
‘Arrest warrant’ vs 23 akusado sa e-sabong, handang ihain ng PNP
E-sabong involves remote betting on cockfights.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group  (PNP-CIDG) sa Pangasinan na nakaalerto na sila sakaling ilabas ang  warrant of arrest laban sa 23 akusado sa iligal  na operasyon ng e-sabong.

Ito’y matapos na hilingin ng Office of the Provincial Prosecutor of Pangasinan sa Regional Trial Court (RTC) ng Urdaneta City ang pag-isyu ng warrant of arrest.

Ang posibleng pagla­labas ng warrant of arrest ay bunsod ng kabiguan ng mga akusado na dumalo sa arraignment noong October 5, 2023 sa sala ng Urdaneta City RTC Branch-45 laban sa mga akusadong pinamumunuan ng mag-asawang Rizalina at Simplicio Castro at anak na si Jewel Castro.

Una nang naaresto ng PNP-CIDG ang mag-asawang Castro sa isang raid sa Loac, Pangasinan sa  bisa ng warrant of arrest  na inisyu naman ng Quezon City RTC Branch 77 sa multi-million investment scam na kinasasangkutan ng mga Castro at sa pag-ooperate ng iligal na e-sabong sa nabanggit na probinsiya habang si Jewel at isang Ethan Eleazar ay kabilang sa nakatakas sa pagsalakay.

Naniniwala naman si PNP-CIDG Director Maj. Gen. Romeo Caramat na si Eleazar at isang nagngangalang “Masayaki Kimura”, na hinihinalang alias lamang ni Jewel Castro, ay mga incorporators din ng Broiler Entrepreneurship Agriventures Inc., na may kasong syndicated estafa sa QC court.

E-SABONG

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with