^

Probinsiya

Scammer tugis, tindahan niransak ng mga nabiktima

John Unson - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY , Philippines — Hinahanap na ng pulisya ang isang pyramid money investment operator dito sa lungsod na ang mga tindahan ng mga gamit sa bahay at iba pang mga produkto ay ni-ransack na ng mga galit na biktima nang malamang naglaho na siya at hindi na makakapagbigay ng kanilang buwanang payout.

Kinamkam ng mga nabiktimang investors ng “Bodega ni Carina” na pag-aari ng suspek na si Carina Caren, ang mga paninda sa mga outlets nito dito sa lungsod at mga karatig na bayan sa probinsya ng Cotabato nang malamang sumibat na siya nitong nakalipas na linggo.

Ayon sa mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI)-12 at ng Kidapawan City Police Office, ang may-ari ng Bodega ni Carina ay unang nagsimula ng kanyang negosyong “pyramid money scheme” kasabay ng paglaganap ng COVID-19 pandemic noong 2020.

Ang nasabing negos­yante, ayon sa DTI-12 at pulisya ay tumanggap ng malalaking halaga ng cash mula sa mga investors na napaniwala niyang kikita ng malaki bilang tubo ng kanilang perang inilagak sa Bodega ni Carina.

Unang namigay ng cash na payout at mga produktong pambahay at iba pang mga paninda ang mga branches ng Bodega ni Carina sa mga investors, ngunit ito ay natigil na nitong nakalipas na ilang linggo dahil wala nang pumapasok na karagdagang mga investment kaya nagkaroon na ito ng problema sa pondong pang-payout.

Ayon kay Ferdinand Cabiles, South Cotabato provincial director ng DTI-12, lumalabas na walang kaukulang business permit mula sa pamahalaan si Caren para sa kanyang negosyong ‘Bodega ni Carina’.

Una nang nagbabala ng ilang beses ang mayor ng Kidapawan City, ang abugadong si Jose Paulo Evangelista, chairman ng city peace and order council, sa mga residente ng lungsod hinggil sa illegal na investment scheme ng Bodega ni Carina.

vuukle comment

SCAMMER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with