^

Probinsiya

Police detachment grinanada, parak sugatan

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Sugatan ang isang pulis matapos na hagisan ng granada ng tandem suspects ang isang roadside police detachment sa Barangay Sunrise, Isa­bela City sa Basilan nitong gabi ng Linggo.

Sa ulat nitong Lunes ng Basilan Provincial Police Office kay Brig. Gen. Prexy Tanggawohn, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, nagtamo ng mga shrapnel wounds sa katawan ang noon ay naka-duty na si Patrolman Salahuddin sanhi ng naturang pagsabog.

Sa inisyal na pahayag ng mga barangay officials at mga imbestigador, hinagis diumano ang isang granada sa gilid ng detachment ng Isabela City Police Station sa Barangay Sunrise ng isang lalaking may kasama na mabilis namang nakatakas kasunod ng malakas na pagsabog na nagdulot ng pagkagulat at takot sa mga residenteng nasa mga bahay sa kapaligiran.

Kinundena ni Basilan Gov. Hadjiman Salliman, chairman ng Provincial Peace and Order Council, ang pambobomba na nagsanhi ng pagkasugat ni Salahuddin.

Nag-alok ng pabuya si Salliman sa sinumang makakatulong sa pulisya na kilalanin ang mga res­ponsable sa naturang pagpapasabog.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with