^

Probinsiya

71-anyos negosyante ninakawan na, pinatay pa!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
71-anyos negosyante ninakawan na, pinatay pa!
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Centeno, may-ari ng water refilling station at residente ng Brgy. San Vicente ng nasabing bayan.
STAR/File

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng Isang 71-anyos na negosyante matapos pagnakawan ay pinatay pa sa loob ng kanyang water ­refilling station sa bayan ng Paombong, dito sa lalawigan.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Antonio Centeno, may-ari ng water refilling station at residente ng Brgy. San Vicente ng nasabing bayan.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 2:30 ng hapon nitong September 29, sa Brgy. Sto. Niño, Paombong.

Ayon sa report, tu­mambad sa mga awtoridad ang nakabulagtang biktima sa magulong kagamitan sa kanyang water refilling station at nawawala na rin ang hindi mabatid na halaga ng perang pinagbentahan ng mineral water.

Agad dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas subalit patay na ito.

Sinasabing hindi na rin makita ang ­35-anyos na lalaking helper ng biktima na ngayon ay itinuturing na person of Interest ng mga awtoridad

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with