^

Probinsiya

Halos P150 milyong droga samsam; 10 timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Halos P150 milyong droga samsam; 10 timbog
Kinilala ni PBrig. Gen. David Peredo Jr., hepe ng Police Regional Office-Cordillera ang mga nadakip na suspek na sina Reynato Soriano, 23; Hercules Verzola, 24; Froilan Ringor, 31; Billie Quinto, 31; Wilmer Lizardo, 33; Willyn Sendico, 28; Jaysie Liked, 32; Herceb Cadicoy, 44; Ritchie delos Reyes, at isang 17-anyos na binatilyo.
STAR/KJ Rosales, file

Sa ‘Oplan Herodotus 3’ ng PNP

MANILA, Philippines — Nasa P149.2 milyon ang halaga ng shabu at marijuana na  nakum­piska ng mga awtoridad habang  arestado naman ang  10 ‘tulak’ sa isinagawang anti-illegal drugs operations ng mga awtoridad sa Benguet.

Kinilala ni PBrig. Gen. David Peredo Jr., hepe ng Police Regional Office-Cordillera ang mga nadakip na suspek na sina Reynato Soriano, 23; Hercules Verzola, 24; Froilan Ringor, 31; Billie Quinto, 31; Wilmer Lizardo, 33; Willyn Sendico, 28; Jaysie Liked, 32; Herceb Cadicoy, 44; Ritchie delos Reyes, at isang 17-anyos na binatilyo.

Ayon kay Peredo, nadiskubre ang mga illegal na droga simula Hulyo 16-23 sa 29 na operasyon ng “Oplan: Herodotus 3” ng mga awtoridad.

Ang Oplan Herodotus 3,  na operasyon sa pagpuksa ng marijuana ay isinagawa ng magkasanib na operatiba ng PRO-Cordillera, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera, at ­Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).

Nasamsam sa mga suspek ang 693,615 fully grown marijuana plants, 35,560 marijuana seedlings, at 75,000 grams ng tuyong dahon at tangkay ng marijuana sa Kalinga at Benguet.

Nakuha naman sa 10 drug personalities ang 10.69 gramo ng shabu na may kabuuang presyo na P72,692 makaraan silang masabat sa Baguio City at sa mga lalawigan ng Benguet at Abra.

DAVID PEREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with