^

Probinsiya

Pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon, bumagal

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Pagdaloy ng lava sa Bulkang Mayon, bumagal
Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanolgy and Seismology (Phivolcs) kahapon, naging mabagal ang pagdaloy ng lava sa bulkan na may haba na 2.23 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully.
The STAR / Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Bumagal ang pagdaloy ng lava mula sa bunganga ng Bulkang Mayon sa Albay Bicol.

Ayon sa Philippine Ins­titute of Volcanolgy and Seismology (Phivolcs) kahapon, naging mabagal ang pagdaloy ng lava sa bulkan na may haba na 2.23 kilometro sa Mi-isi Gully at 1.3 kilometro sa Bonga Gully.

Nagtala rin ang bulkan ng mga pagguho ng lava hanggang 3.3 kilometro mula sa crater ng Mayon habang umaabot sa 595 tonelada ng asupre ang ibinuga ng bulkan.

Nasa may 2,500 me­trong taas naman ng plume ang ibinuga ng bulkan na napadpad sa hilaga at hilagang kanluran.

Nagtala rin ang bulkan ng 2 volcanic earthquake at 284 rockfall events gayundin ng pitong dome collapse pyroclastic density current events sa nakalipas na 24 oras.

Patuloy na pinagbabawal ng Phivolcs ang pagpasok ninuman sa loob ng 6 kilometer danger zone dahil sa aktibidad ng bulkan.

Nanatiling nasa Alert Level 3 ang bulkan.

ALBAY BICOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with