^

Probinsiya

Ina, nagsadlak sa 2 anak sa ‘online sex’ kulong ng 42 taon

Miriam G. Desacada - Pilipino Star Ngayon
Ina, nagsadlak sa 2 anak sa �online sex� kulong ng 42 taon
Sa pahayag sa media ni Judge Tarcelo Sabarre Jr., ng Basey Samar Regional Trial Court-Branch 30, inilabas agad nito ang kanyang desisyon laban sa isang ina na hindi pinangalanan, matapos na mag-plead ng “guilty” ang ginang sa kasong 3-counts ng possession o pag-iingat ng child sexual abuse and exploitation material (CSAEM) na bumiktima sa kanyang mga anak na 11 at 13 taong gulang.
Philstar / File

Basey, Samar, Philippines — Hinatulan ng korte ng 42 taong pagkabilanggo ang isang 40-anyos na nanay matapos niyang isadlak sa “online sex” ang dalawang sariling anak na babae sa bayang ito.

Sa pahayag sa media ni Judge Tarcelo Sabarre Jr., ng Basey Samar Regional Trial Court-Branch 30, inilabas agad nito ang kanyang desisyon laban sa isang ina na hindi pinangalanan, matapos na mag-plead ng “guilty” ang ginang sa kasong 3-counts ng possession o pag-iingat ng child sexual abuse and exploitation material (CSAEM) na bumiktima sa kanyang mga anak na 11 at 13 taong gulang.

Bilang bahagi ng plea bargaining agreement, sinabi ni Sabarre na pinatawan din niya ng multa ang akusadong ina ng halagang P900,000 para sa tatlong criminal charges.

“I finished the case in just one hearing; very fast. After it was filed, the following day the case was finished,” pahayag ng hukom na maituturing niya na pinakamabilis na nalutas na kaso sa kanyang sala, sa kasaysayan.

Nabatid na ang hinatulang ina ay inaresto noong Marso 18, 2023 ng mga operatiba ng Women and Children’s Protection Center-Visayas Field Unit para sa “producing and distributing” CSAEM kung saan sangkot ang dalawang menor-de-edad na anak.

Nasagip naman ang batang magkapatid at ngayo’y nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development-Regional Office.

vuukle comment

CYBER CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with