Misis at kabit huli sa akto ng mister
MANILA, Philippines — Kapwa humihimas ng rehas ng kulungan ang isang misis at kalaguyo nito makaraang maaktuhan ni mister na gumagawa ng kalaswaan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Malainen Luma, Naic, Cavite.
Kapwa nahaharap sa mga kasong adultery ang mga suspek na sina Jovell Decinal, 27, may asawa, residente ng Glori Mor, Brgy. Malainen Luma, Naic at ang kalaguyo nitong si Rowell Baquiano, 38, may-asawa ng nasabi ring lugar.
Sa pahayag ni Esber Decimal, 37, matagal na umano niyang kutob na may ibang ginagawa ang kaniyang misis, subalit binabalewala lamang niya ito hanggang sa makatanggap na ito ng ilang mga balita na may iba umanong lalaki ang kaniyang asawa.
Palihim nitong sinubaybayan ang pag-alis-alis ng kaniyang misis hanggang sa matiyempuhan, alas-12:30 ng madaling araw sa bahay ng kalaguyong si Baquiano.
Agad na nagtungo sa pulisya ang biktima at nagpasama upang ipahuli ang misis at kalaguyo nito sa akto.
- Latest