^

Probinsiya

Bulkang Mayon muling nagbuga ng abo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Muli na namang nagbuga ng abo kahapon ng umaga ang Bulkang Mayon sa Albay kahit patuloy na bumababa ang ilang­ inoobserbahang parameters nito.

Ayon sa kuha ng IP camera ng Philippine Institute of Volcanolo­gy and Seismology (Phivolcs)-Ligñon Hill Observatory Station sa Legazpi City, nakita ang pagbuga ng abo dakong alas-11:05 ng umaga na umabot sa taas na 400-metro mula sa crater ng bulkan at tinangay ito ng hangin patungo sa kanlurang bahagi.

Sa loob ng 24-oras na obserbasyon ay naitala kahapon ang 4 na volcanic earthquakes, habang umabot sa 1,177 tonelada bawat araw ang ibinugang asupre.

Sa kabila ng patuloy pa ring namamaga ang katawan ng Bulkang Mayon,  nakitaan ito ng panandaliang pagnipis sa hilagang-silangan na bahagi.

Bunsod nito, nagbabala pa rin sa publiko ang Phivolcs na iwasan ang pumasok sa mga danger zones at bina­laan ang mga piloto ng mga eroplano na huwag dumaan malapit sa crater dahil sa malaki pa rin ang posibilidad nang biglaan nitong pagputok o phreatic eruption habang nananatili pa rin ito sa alert level number 2.

ALBAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with