^

Probinsiya

Lider ng terror group, 3 pa todas sa shootout!

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Patay sa mga tama ng bala ang lider ng isang natitira pang pangkat nang nabuwag na Dawlah Islamiya terrorist group at ang kanyang tatlong tauhan sa engkuwentro kanilang palitan ng putok sa mga pulis at tropa ng Philippine Marines sa Sultan Mastura, Maguindanao del Norte nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang nasawing terror group leader na si Yusa Ganoy, may kinakaharap na iba’t ibang kaso sa mga korte sa Central Mindanao, kabilang ang double murder, destructive arson, extortion, trafficking of narcotics at paglabag sa Anti-Terrorism Act of 2020.

Inaalam pa ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong napaslang na tauhan ni Ganoy.

Sa magkahiwalay na ulat nitong Sabado nina Brig. Gen. Christopher Abecia, director ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), at ni Army Brig. Gen. Ricky Bunayog, acting commander ng 6th Infantry Division, mapayapang hahainan lang sana ng iba’t ibang warrants of arrest si Ganoy ng tropa ng pamahalaan sa kanyang pinagtataguan sa Sitio Masagana, Barangay Tapayan, Sultan Mastura ngunit siya at ang kanyang tatlong kasama ay nagkasa ng mga baril at nagpaputok kaya nauwi ito sa shootout na nagresulta sa pagkamatay nilang apat.

Ayon kay Abecia, natunton ng mgaoperatiba ng CIDG ang hideout ni Ganoy sa Barangay Tapayan sa tulong ng mga residente sa lugar.

Magkatuwang sa naturang law-enforcement operation ang PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Regional Field Unit-Bangsamoro Autonomous Region, 2nd Marine Battalion ng 1st Marine Brigade ng Philippine Navy, at PRO-BAR.

DAWLAH ISLAMIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with