2 nalunod sa ritwal sa agawan sa lupa!

Nagpatagalan sa paglubog sa tubig
MANILA, Philippines — Patay ang dalawang kinatawan ng dalawang magkalabang angkan sa agawan sa lupa matapos na mauwi sa trahedya ang ginawang ritwal ng mga katutubong tagapamagitan para sa pag-aayos ng kanilang sigalot sa pamamagitan ng “patagalan sa paglubog sa tubig” sa Alabel, Sarangani nitong Biyernes.
Kinilala ang mga nasawi na sina Tonny Mansag, 69-anyos, at Gaspar Palasanon, 49 taong gulang; pawang katutubong magsasaka ng Brgy. Datal Anggas ng nasabing bayan.
Sa report ng Alabel Municipal Police Station (MPS), dakong alas-10 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Glamang River sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon, nagsagawa ng ritwal ang grupo ng mga katutubong Tagakaulo upang ayusin ang sigalot sa pagitan ng magkalabang angkan hinggil sa siga- lot sa kanilang pinag-
aagawang lupain.
Bilang bahagi ng pagsasaayos ng sigalot, dinala ng mga lider ng naturang tribo ang dalawang kinatawan ng kanilang mga pamilya sa kanilang Barangay, pero hindi naayos ang sigalot.
Dahil dito, nagpasya ang mga lider ng tribo na dalhin ang dalawang magkalabang angkan sa ilog upang magsagawa ng ritwal.
Ang nasabing ritwal, kailangang lumubog sa tubig ang dalawang lalaki bilang bahagi ng tradisyon ng naturang grupo na ayusin ang anumang sigalot at kung sino ang mas tatagal ay siyang panalo, pero matapos ang dalawang minuto ay kapwa sila nabigo nang lumutang sa ilog.
Agad na sumaklolo ang kanilang mga kamag-anak at isinugod ang dalawa sa Sarangani Provincial Hospital, pero kapwa idineklarang dead-on-arrival.
- Latest
















