^

Probinsiya

Sayyaf utas, 2 sundalo sugatan sa engkuwentro

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang kilabot na miyembro ng teroristang Abu Sayyaf Group (ASG) ang patay habang dalawang sundalo ang sugatan sa magkahiwalay na sagupaan sa bulubundu­king bahagi ng probinsya ng Sulu.

Sa report na tinanggap ni  Maj. Gen. Ignatius Patrimonio, 11th Infantry Division commander, unang naganap ang engkuwentro alas-7 ng umaga kamakalawa sa Brgy.. Kabbon Takas, Patikul kung saan napatay si Rudy Mar Habib Jihiran, isa sa mga tauhan umano ni ASG leader Mudzrimar Sawadjaan, at mister ni Sitti Aisyah Rullie na kilala bilang Maryam Israni, isang Indonesian at bihasa sa pagiging suicide bomber.

Magugunitang nasagip ng tropa ng pamahalaan ang anak ng mag-asawang Indonesian terrorist na sina Rullie Rian Zeke at Ulfa Handayani Saleh na si Sitti Aisyah mula sa kuta ni Jihiran noong Hunyo 2021 sa Brgy. Bangkal, Patikul.

Sinabi ng militar na ang mag-asawang Saleh ay kilala rin bilang suicide bombers at itinuturong nasa likod ng pambobomba ng Our Lady of Mount Carmel Cathedral sa Jolo noong 2019.

Sinabi ni Patrimonio, tumagal ng ilang minuto ang sagupaan sa pagitan ng grupo ni Sawadjaan at tropa ng 111th Division Reconnaissance Company (DRC) ng Philippine Army at 32nd Infantry Battalion (IB) na ikinasawi ni Jihiran habang mabilis na tumakas ang mga kasama nitong bandidong ASG.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng eng­kwentro ang bangkay ni Jihiran, isang M14 rifle, mga bala, isang analog na cellphone, at tatlong backpack na naglalaman ng iba’t ibang personal na kagamitan.

Sunod na nakasagupa ng tropa ng 32IB ang mga tumakas na bandidong ASG na ikinasugat ng dalawang sundalo na ginagamot sa Kuta He­neral Teodulfo Bautista Station Hospital sa Jolo.

vuukle comment

ASG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with