^

Probinsiya

29-anyos pinasok ng kapitbahay, inutas ng balisong

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Sunud-sunod na saksak ng balisong ang tinamo ng isang 29-anyos na lalaki matapos na pasukin ito sa kaniyang bahay ng kanyang kapitbahay, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Ang biktimang hindi na naisalba pa sanhi ng daming tinamong saksak sa katawan ay nakilalang si Mayor  Dela Cruz Punongbayan, re­sidente ng Sitio Talisayan Brgy Sampaloc 4, Dasmariñas City.

Arestado naman ang suspek na nakilalang si Eduardo Umali Magallanes 57-anyos ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-7 ng gabi habang nasa loob ng kanyang bahay ang biktima nang biglang pumasok ang suspek na armado ng balisong.

Biglang sinugod nito ang biktima at inundayan ng mga saksak at mabilis na tumakas tangay ang balisong na ginamit.

Ayon sa testigo, nakita umano niya ang suspek na may bitbit na balisong at dire-diretsong pumasok sa bahay ng biktima .

Sa follow-up operation ng mga barangay officials ay naaresto ang suspek na agad dinala sa himpilan ng pulisya .

Inaalam pa ng pu­lisya ang posibleng mo­tibo sa naganap na pamamaslang.

SUSPEK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with