^

Probinsiya

2 obrero tigok nang madaganan ng mga bakal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang construction worker makaraang mabagsakan at maipit sa gumuhong mga bakal sa construction site ng ginagawang by-pass road sa Barangay 3 San Ildefonso, San Nicolas, Ilocos Norte nitong Martes.

Ayon sa ulat ng San Nicolas Police, tatlong construction worker ang nasa loob ng pabilog na rebar cage at tinatalian ang mga bakal nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong bumagsak ang mga bakal na nasa itaas na bahagi at naipit ang dalawang obrero habang nagawa namang makatakbo ng ikatlo kaya ito nakaligtas.

Dahil sa sobrang bigat ng mga bakal na nakadagan sa mga trabahador, hindi agad nakuha ang mga ito. Kinailangan pa umanong gumamit ng heavy equipment crane truck para sila makuha.

Wala nang buhay ang mga ito nang maalis ang mga nakadagang bakal kaya hindi na dinala sa pagamutan.

Wala pa umanong desisyon ang pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaso laban sa contractor.

vuukle comment

CONSTRUCTION WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with