^

Probinsiya

3 Pinay mail-order brides nasabat ng Bureau of Immigration sa Cebu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong Pinay mail-order brides ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) habang nagtatangkang pumuslit palabas ng bansa sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA), nabatid kahapon.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang unang biktima, na 29-anyos lamang, ay pasakay na ng China Eastern Airlines flight patungong Shanghai nang harangin ng mga tauhan ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI sa MCIA noong umaga ng Hunyo 28.

Bibiyahe sana ang Pinay kasama ang isang 30-anyos na Chinese man, na nagsabing mag-asawa sila. Gayunman, hindi pinayagang makalabas ng bansa ang Pinay dahil sa nakitang ilang pagkakaiba sa kanyang dokumentasyon, kabilang na ang PSA marriage certificate na nagsasabing sila ay kasal.

Malaunan umamin din ang Pinay na hindi niya alam ang mga detalye ng kasal at binayaran lamang umano siya ng P17,500 sa pamamagitan ng money transfer para iproseso ang kanyang mga dokumento.

Samantala, noong Hun­yo 19 naman, naharang din ng I-PROBES ang dalawa pang biktima na patungo ring Shanghai.

Ang mga biktima na nagkaka-edad lamang ng 25 at 24, ay bibiyahe sana kasama ang kanilang mga asawang Chinese ngunit nakitaan din ng inconsistencies ang kanilang mga dokumento, kabilang ang PSA marriage certificates.

Kapwa umamin naman ang dalawa na ang kanilang mga dokumento at kasal ay inayos lamang sa pamamagitan ng isang contact.

 “This is a clear case of mail-order bride wherein fixers seemingly assist marriages between Filipinas and foreign nationals,” pahayag pa ni Tansingco.  

Ang tatlong biktima at kanilang Chinese cou­riers ay nai-turn over na sa inter-agency council against trafficking para sa mas masusing imbestigasyon.

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with