^

Probinsiya

Obrero dumalaw sa ex-GF, kinatay ng karibal

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Obrero dumalaw sa ex-GF, kinatay ng karibal
Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Joshua Espinida, 29, ng Maiba, Teresa, Rizal dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/File

Madugong love triangle

MANILA, Philippines — Isang obrero ang patay nang katayin ng kasalukuyang live-in partner ng kanyang dating nobya na dinalaw niya sa Taytay, Rizal kama­kalawa.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Joshua Espinida, 29, ng Maiba, Teresa, Rizal dahil sa mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nakatakas naman ang suspek na nakilala lang sa alyas na “Roden”, 31, ng Brgy. Dolores, Taytay, Rizal.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Taytay Municipal Police, alas-10:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa St. Mary Palmera 3, sa Brgy. Dolores, Taytay.

Nauna rito, nagtungo ang biktima sa natu­rang lugar upang dalawin sana ang kanyang dating kinakasama na si Mary Jane, 35, housekeeper.

Gayunman, nagalit umano ang biktima nang makita sa lugar ang kanyang karibal (suspek), na siya namang kasaluku­yang kinakasama ni Mary Jane, kaya nauwi sa mainitang pagtatalo at suntukan ng dalawa.

Sa kasagsagan ng suntukan, bumunot umano ng patalim ang suspek at kaagad na pinagsasaksak ang biktima na ikinasawi nito.

Mabilis namang tumakas ang suspek, na target na ngayon ng manhunt operation ng mga awtoridad.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with