^

Probinsiya

18-anyos na-trap sa sunog, tepok

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
18-anyos na-trap sa sunog, tepok
This photo shows a picture of a fireman trying to extinguish a fire.
STAR / File

CASIGURAN, Sorsogon, Philippines — Patay na nang matagpuan sa loob ng banyo ang isang 18-anyos na binata matapos ma-trap sa nasusunog nilang bahay sa Sitio Lubas, Brgy. Boton Casiguran, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Laking panlulumo ng mga kaanak nang matagpuan ang sunog na bangkay ng biktima na kinilalang si Carl Mark Hubilla sa loob ng kanilang banyo na posibleng doon na-trap nang hindi na makalabas sa pintuan.

Sa ulat, pasado alas-6 ng gabi lumabas lang sandali ang tatay ng biktima pero nang dumating ay inabutan na malakas nang naglalagablab ang kanilang bahay at hindi na nailigtas ang anak.

Agad rumesponde ang mga kasapi ng Casiguran Bureau of Fire Protection pero sa lakas ng apoy ay mabilis na natupok ang kabuuan ng bahay na gawa sa semento, kahoy at yero.

Sa banyo na natagpuan ang katawan ni Carding na pinaniniwalaang doon nakatakbo habang nasusunog ang bahay.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente dahil hindi pa alam kung aksidente o sinadya ang pagkasunog ng kanilang bahay.

Ayon mismo sa kuwento ng tatay, nakararanas umano ng matinding depresyon ang kanilang anak na sinubukan na rin noon na sunugin ang kanilang bahay makaraang magsunog ng papel gamit ang lighter at saka inilapit sa kurtina pero kanilang napigilan.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with