^

Probinsiya

Teller ng sabungan nangupit ng higit P3 milyon, tiklo

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Arestado at nahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lady teller ng cockpit arena matapos na madiskubre ang pa­ngungupit nito na uma­bot na sa mahigit 3-mil­yong piso, kamakalawa sa bayan ng Noveleta, lalawigang ito.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na nakilalang si Ruth Ruiz Viray, nasa hustong gulang at residente ng Cabanela Street, Brgy. San Antonio, Ca­vite City.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-12:10 ng tanghali nang ipaaresto si Viray ni Karla Denisse Reyes Jose, cockpit supervisor at residente ng Teachers Country Village, Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite matapos nitong makumpirma sa isinagawang auditing ang nawawalang kita ng sabungan na umabot na ng P3,781,330.

Sinabi ni Jose na hindi nai-remit ng suspek ang kita ng sabu­ngan at napag-alaman na sunud-sunod ang ginawang pangungupit ng huli hanggang sa umabot sa nasabing halaga.

Kasong qualified theft at iba pa ang isinampang kaso laban sa naturang teller.

vuukle comment

HULE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with