Brownouts sa lalawigan ng Mindoro tugunan
MANILA, Philippines — Umapela si Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro sa pamahalaan na tugunan ang krisis sa kuryente kaugnay ng madalas na brownout sa lalawigan ng Occidental at Oriental Mindoro.
Ayon kay Castro, dapat na i-update ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong “ Marcos Jr., ang mga fuel subsidies para agarang maresolba ang sanhi ng brownouts.
Isinuhestiyon ng lady solon na dapat magkaroon rin ng malinaw at nasa takdang oras na direksyon.
“Reduce increasing cost of missionary subsidy by relying less on ever expensive and polluting diesel fuel for off-grid generation. Seriously and consistently launch a hybridization program of off grid areas by introduction of cheaper and cleaner renewable energy (RE) generation like solar, biomass, minihydro and other,” dagdag pa ni Castro.
Ayon pa kay Castro na maglunsad ng epektibong enerhiya at saving program para mabawasan ang konsumo sa kuryente sa mga tahanan.
- Latest