^

Probinsiya

Missing UP-Diliman employee; bangkay nang matagpuan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Missing UP-Diliman employee; bangkay nang matagpuan
Sa ulat ng pulisya, sinabing noong nakaraang Hunyo hu­ling nakitang buhay ang biktimang si Irene Melican na ang kalaunan ay natagpuan ang kaniyang sasakyan, at ilang gamit gaya ng cell phone at credit card sa nasabing lugar.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isa nang bangkay nang matagpuan ka­makilan sa Tuba, Benguet ang isang 38-anyos na babae na nawawalang empleyado ng University of the Philippines (UP-Diliman).

Sa ulat ng pulisya, sinabing noong nakaraang Hunyo hu­ling nakitang buhay ang biktimang si Irene Melican na ang kalaunan ay natagpuan ang kaniyang sasakyan, at ilang gamit gaya ng cell phone at credit card sa nasabing lugar.

Noong Hulyo, ­inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR) ang nobyo ng biktima na lumilitaw na suspek sa pagkawala ni Melican.

Hanggang sa nakita na ang bangkay ni Melican sa Tuba, Benguet na walang saplot at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan.

“The conduct was done with the Tuba, Benguet police, the DNA matched doon sa samples, reference materials taken from the parents of victim, Irene Melican. Nagkaroon kami ng closure na ito talaga ang taong hinahanap namin who was earlier kidnapped by her boyfriend,” ayon kay NBI-NCR Regional Director Ferdinand Lavin.

Ayon sa NBI, nakita umano ang suspek at biktima na magkasama sa sasakyan ni Melican noong Hunyo, at bumiyahe sa Agoo, La Union bago nagtungo sa Benguet.

Batay sa medico-legal report ng Philippine National Police at re-autopsy ng NBI sa mga labi ng biktima, naging malagim ang kaniyang pagkamatay.

“She died of traumatic blunt injuries to the chest and the neck. Further, NBI was able to establish that she had broken ribs to the left side of the body. She suffered a very painful death,” ani Lavin.

Ayon pa kay Lavin na patuloy ang kanilang imbestigasyon kung saan eksakto pinatay, at kung sinu-sino ang pumatay, ilang tao ang pumatay sa biktima.

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with