^

Probinsiya

4 reporter inireklamo ang pangha-harass ng mayor sa Oriental Mindoro

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsampa ng ­reklamo ang apat na media practitioner sa umano’y pangha-harass na ginawa sa kanila ni Bongabong, Oriental Mindoro Mayor Elegio Malaluan nang i-cover nila ang isang bidding process sa bayan.

Ayon sa sinum­paang salaysay ng media practitioners na sina Jonathan Apostol Atuel Sr.; Ire Joe Vicente Laurente; Roberto Evora; at Reynaldo Jandusay, dumalo sila sa isang bidding na ginanap sa municipal hall complex ng bayan para sa implementasyon ng farm to market road mula Sitio Centro hanggang Sitio Balete sa Barangay Hagan na nasa ilalim ng programa ng Phi­lippine Rural Development Projects (PRDP) upang masiguro ang regularidad sa gagawing ito. Bago umano sila makapasok sa munisipyo, isang babae ang nakita nilang may dalang dokumento at sasali sana sa bidding ngunit pilit umanong inagaw ni Mayor Malaluan ang dokumento nito at tila itinuturo sa ibang lugar kung saan hindi naman doon gaganapin ang bidding.

Nang makapasok na umano sila sa munisipyo ay nakita sila ng alkalde na may mga hawak na cellphone at pilit itong inaagaw, kaya’t napilitan na umano si Jandusay na magpakilalang taga-media sila. Tinanong pa umano sila ni Mayor Malaluan kung bakit sila naroon at ano ang gagawin nila.

Sumagot naman umano si Jandusay na naroon sila upang i-cover ang bidding. Pagkatapos nito’y pilit daw silang pinapasok ng alkalde sa kanyang opisina at hindi na sila nakapalag dahil dalawang guwardiya umano nito ang nasa likuran nila.

Sa opisina ng alkalde ay muli umanong kinukuha ng una ang kanilang mga cellphone dahil hindi raw sila maaaring mag-cover ng bidding.

Bago magsimula ang bidding ng alas-9:00 ng umaga ay matagumpay umanong nakalabas ng opisina ng alkalde sina Atuel at Laurente ngunit bigo naman sina Evora at Jandusay dahil napigilan sila ng mga guwardiya ng mayor.

Isiniwalat din nina ­Atuel at Laurente ang nasaksihan sa bidding kung saan pinatay anila ang projector nang babasahin na ang halaga ng bids ng mga interesadong bidder.

Isang babae na kinatawan ng isang bidder ang pumalag kung puwede umano makita ang halaga ng bawat bid, pero hindi umano pumayag ang BAC chairman na si Greg Reyes at sinabing pagkatapos na ng bidding ipapakita ito su­balit hindi raw ito nangyari dahil nag-adjourn agad ang bidding process pagkatapos ng hu­ling bidder.

ELEGIO MALALUAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with