^

Probinsiya

7 nadakma sa drug ops sa Nueva Vizcaya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Pitong katao ang dinakip ng mga awtoridad matapos ang isinagawang drug buy-bust operation sa bahagi ng Barangay Bonfal Proper sa bayan na ito kamaka­lawa ng madaling araw.

Kinilala ang mga nadakip na sina Adrian Reyes, 32, ng Barangay Baretbet, at Harvey Parucha, 24, ng Brgy. Quirino, pawang sa bayan ng Bagabag; Trisha Mae Rumbaoa, 19, residente naman ng Brgy. Bascaran, Solano; Jerwin Mina, 40, at Lornas Chumawin, 59, kapwa ng Brgy. District, Bayombong; Eisen John Ang, 33, ng Barangay Salvacion; at Alfredo del Rosario Jr., 49, ng Bonfal Proper sa bayan din na ito.

Ayon kay Police Major Joly Villar, hepe ng Prov’l Drug Enforcement Unit (PDEU), kasama ang mga operatiba ng Bayombong Police ay naglatag sila ng buy-bust operation na nag­resulta sa pagkadakip ng mga suspek dakong alas-4:15 ng umaga sa Purok 5 ng nasabing barangay. Tinatayang nasa 15 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P202,500  ang nakuha ng mga awtoridad mula sa mga suspek.

Ayon pa kay Villar, maliban sa pagbebenta ng illegal na droga ay mahaharap din si Del Rosario sa iba pang kaso matapos umanong gawin na drug den ang kaniyang tirahan.

Pinasinungalingan naman ni Del Rosario ang mga droga na nakuha sa kanila. Ayon kay Del Rosario, bumisita lamang ang mga kasamang naaresto at hindi niya alam ang tungkol sa mga droga na nakuha sa kanyang bahay.

DRUG BUST OPERATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with