Mag-amang may utang pinagbabaril ng Bumbay
GEN. MARIANO ALVAREZ, Cavite, Philippines — Isang mag-ama na may utang na 5-6 ang pinagbabaril ng Indian national na kanilang pinagkakautangan, naganap kamakawala ng gabi sa Brgy. F. Reyes ng bayang ito.
Namatay ang ama na si Mario R. Napili, 66, habang sugatan at kasalukuyang ginagamot ang anak nitong si Marlon V. Napili, 35, kapwa construction worker at residente ng 22A Strawberry Hills ng nasabing barangay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-7:00 ng gabi sa nasabing lugar ay kinakausap ng suspek na nakilala lamang sa alias Fajad na isang Indian si Marlon hinggil sa umano’y utang nito na P1,700.00 na matagal ng hindi nababayaran.
Nauwi sa mainitang pagtatalo ang singilan ng utang at dito umawat ang ama ni Marlon kaya’t bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril ang mag-ama.
Kapwa duguang bumulagta ang mag-ama habang mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motor nito patungo ng San Pedro, Laguna.
Naitakbo sa Carsigma Hospital ang mag-ama subalit idineklarang dead on arrival ang matandang biktima.
- Latest