^

Probinsiya

Lalaking nagbibisikleta, utas sa kidlat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nagbibisikleta, utas sa kidlat

TAYTAY, Rizal, Philippines — Nasawi noon din ang isang lalaki matapos tamaan ng kidlat habang nagbibisikleta sa bayang ito  nitong Martes ng hapon.

Batay sa ulat ng pulisya, sinabing pauwi na mula sa trabaho bilang construction worker ang biktima na si JR Urcia nang tamaan ng kidlat.

Ayon sa kasama ng biktima na si Antonio Cano, nagmamadali sila na ma­kauwi ng bahay sakay ng kani-kanilang bi­sikleta nang tumama ang kidlat­ sa biktima na isang dipa lang ang agwat nito kaya’t tumalsik sa lakas ng impact.

Nabatid na malakas umano ang ulan nang mangyari ang insidente at nasa isang kilometro na lang ang layo ng biktima mula sa kanilang bahay nang tamaan ng kidlat.

Nagdadalamhati ang pamilya ni Urcia, na mayroong dalawang anak, na ang bunso ay limang-buwang-gulang pa lang.

Nangyari ang insidente ilang oras matapos mag-anunsyo ang PAGASA ng thunderstorm advisory sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan, kabilang ang Rizal.

Paalala ng PAGASA sa publiko, makabubu­ting sumilong muna kung mayroong mga pagkulog at pagkidlat at huwag ding gumamit ng mga mobile phone, lumayo sa mga bakal, at huwag su­milong sa ilalim ng puno.

ANTONIO CANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with