^

Probinsiya

Rookie cop na ‘tulak’ timbog sa buy-bust

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang “rookie cop” o bagitong pulis nang arestuhin ng kanyang mga kabaro sa isinagawang drug buy-bust operation kamakalawa sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga City.

Kinilala ang nadakip na si Pat. Carl Anthony Burgas Tabo-Tabo, 26, residente ng Ipil, Zamboanga Sibugay, at temporaryong nakatalaga sa Zamboanga City Police Office (ZCPO)-Station 11.

Ayon kay Brig. Gen. Franco Simborio, Police Regional Office-Zamboanga Peninsula (PRO-9) director, dakong alas-11:30 ng gabi nang madakip ang suspek sa Barangay San Jose Gusu.

Sinabi naman ni Maj. Francis Briones, hepe ng ZCPO-Station 11, si Tabo-Tabo ay isinailalim sa surveillance matapos madiskubre na sangkot sa illegal na droga bago pa man pumasok sa PNP.

Nakuha sa suspek ang 5-gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang P34,000, motorsiklo, 13 pirasong pekeng tig-P1,000 boodle money na may isang tunay na P1,000 marked money, at iba pa nitong kagamitan.

Nakakulong ngayon si Tabo-Tabo sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong administratibo at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

KALABOSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with