^

Probinsiya

Aklan LGUs, iisyuhan ng show cause order

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Kung mabibigong ipatupad ang tourist capacity limit sa Boracay…

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo M. Año ang Provincial Government ng Aklan at munisipalidad ng Malay, Aklan na iisyuhan ng show cause order (SCO) dahil sa kapabayaan, kung mabibigo silang ipatupad ang tourist capacity limit sa Isla ng Boracay.

Ang babala ay ginawa ni Año matapos ang mga dokumentadong paglabag sa carrying capacity ng isla para sa mga turista noong Mahal na Araw.

Hinimok din niya ang mga opisyal ng Aklan Provincial Government at ng munisipalidad ng Malay, Aklan, na siyang may direktang otoridad sa naturang world-famous tourist destination, na paigtingin ang kanilang pagsusumikap at istriktong obserbahan ang daily threshold na 19,215 para sa mga turista, na siyang itinatakda ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF), upang matiyak ang ecological sustainabi­lity ng Boracay.

Binigyang-diin ng DILG chief na ang pagkabigong tumalima sa rekomendadong daily threshold ay maaa­ring magdulot ng environmental risks at magresulta upang mabalewala ang na­ging accomplishments ng pamahalaan nang isailalim nito sa rehabilitasyon ang isla.

Sa isang liham na ipinadala ni Department of Tourism (DOT) Secretary Bernadette Romulo-Puyat kay Año, sinabi ng kalihim na ang Boracay Island tourist arrivals mula Huwebes Santo (Abril 14) ay umabot ng 21,252 at 22,519 naman noong Biyernes Santo (Abril 15), na lampas sa limit ng isla.

SCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with