^

Probinsiya

Barangay chairman arestado sa mga baril at bala

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga otoridad ang isang barangay chairman sa isang police operation sa Sto.Tomas City, Batangas at nakum­piska dito ang mga hindi lisensiyadong baril.

Kinilala ni P/Col. Glicerio Cansilao, Batangas police director, ang suspek na si  Gerry Punzalan, 49, chairman ng Barangay San Felix, Sto. Tomas City, na nabigong magpakita ng dokumento sa kanyang mga baril at mga bala nang isa­gawa ang search warrant sa kanyang bahay sa nasabing lugar noong Martes ng hapon.

Sinabi ni Punzalan sa mga otoridad na ang mga nasabing baril ay kanyang proteksiyon, subalit wala itong dokumento tulad ng 45 caliber Colt pistol, mga sari-saring bala, tatlong magazines na may laman na 72 bala, isang eco bag na may lamang dalawang magazines at 82 bala para sa  5.56 rifle;sling bag na may lamang springfield caliber 30 pistol at 96 bala.

vuukle comment

GLICERIO CANSILAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with