^

Probinsiya

Mister nasa drug watchlist, inutas habang naglalaro ng ML

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mister nasa drug watchlist, inutas habang naglalaro ng ML
Kinilala ang biktima na si Angelo Blarama, alyas “AJ Boy”, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay ang isang lalaking kabilang umano sa drug watchlist ng Brgy. dela Paz, Antipolo City sa lalawigan ng Rizal matapos na pagbabarilin sa ulo ng isang ‘di kilalang salarin, habang nakaupo at naglalaro ng Mobile Legend (ML) sa kanyang cellphone sa harapan ng isang bilyaran sa naturang barangay kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Angelo Blarama, alyas “AJ Boy”, nasa hustong gulang, at residente ng naturang lugar.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:00 ng gabi habang nakaupo ang biktima sa isang batong upuan kasama ang isang kaibigan sa harapan ng Jacob Billiaran sa Sitio Langhaya, Brgy. Dela Paz at naglalaro ng Mobile Legend sa cellphone nang biglang sumulpot ang salarin mula sa likuran at pinaputukan ng dalawang ulit sa ulo ang biktima na nagresulta ng agaran nitong ­kamatayan.

Nang matiyak na napuruhan ang target, mabilis na tumakas ang salarin patungo sa direksiyon ng Marcos Highway.

vuukle comment

ML

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with