^

Probinsiya

Mag-utol dinedbol ng kandidato sa Iloilo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang magkapatid ang nasawi matapos pagbabarilin umano ng isang kumakandidatong Sangguniang Bayan member sa Ajuy, Iloilo, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang magkapatid na nasawi na sina Edmund, 36, at Ramon Articulo, 22, kapwa  nakatira sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Ajuy Police Station, pinuntahan umano ng magkapatid na noon ay lasing ang bahay ng suspek at sa hindi pa matukoy na dahilan ay  nagkaroon umano ng pagtatalo.

Sa gitna ng pagtatalo ay bumunot ng baril ang suspek at ilang beses na pinagbabaril si Edmund sa dibdib.

Nang tangkang tumulong si Ramon  ay pinagbabaril din siya ng suspek. Kaagad dinala sa ospital ang magka­patid na idineklara silang dead on arrival.

Napag-alaman na may dati na umanong alitan ang suspek at ang magkapatid. Nakuha sa lugar ang 10 basyo ng bala na nanggaling sa isang .45 caliber pistol.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng Ajuy MPS at tinutugis na ng mga otoridad ang suspek na hindi muna pina­ngalanan.

vuukle comment

EDMUND

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with