^

Probinsiya

Bukidnon nilindol ng 5.7 magnitude

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY , Philippines — Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang lalawigan ng Bukidnon, nitong Lunes ng gabi.

Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), namataan ang episentro ng lindol sa layong 12-kilometro hilagang kanluran ng Kadingilan at may lalim na 3-kilometro.

Ayon kay Philvols-Cotabato Seismologist Engr. Rainier Amilbahar, unang naitala ang pagyanig alas-10:38 ng gabi at ang magnitude ay 5.7 kung saan ang lalim ay 3 kilometro at ang epicenter nito ay sa bayan ng Kadingilan.

Intensity V ang naitala sa mga lugar ng Wao Lanao del Sur, Kadingilan, Damulog, at Don Carlos, Bukidnon. Intensity IV naman sa Cotabato City, Marawi City, Marantao Lanao del Sur, Kalilangan, Pangantucan, Kitawtaw, Kibawe, Maramag, at Talakag, Bukidnon kasama ang Cagayan de Oro City.

Instrumental Intensity III ang naitala mula Pagadian City, Davao city,  Gingoog City, Misamis Oriental at Kidapawan City kasama ang mga bayan ng Mlang, Arakan, Banisilan, Pikit sa North Cotabato, Datu Piang Maguindanao, at umabot pa hanggang Mungkayo, Davao Oriental.

Naitala ang ikalawang pagyanig alas-10:49 ng gabi na mayroong 5.2 magnitude na sinundan ng ikatlong pag-uga ng lupa 4.7 magnitude bandang alas-10:59 ng gabi.

Inaasahan na ang pagkakaroon ng mga pinsala sa nasabing mga pagyanig at posibleng masusundan pa ang mga aftershocks kaya pinaalalahanan muli ng Phivolcs ang mga mamamayan na mag-ingat lagi at maghanda.

LUNES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with