^

Probinsiya

3 motor nagsalpukan: 1 patay, 4 kritikal

Pilipino Star Ngayon
3 motor nagsalpukan: 1 patay, 4 kritikal
Patay ang security guard na nakilalang si Michael Pascua, nasa hustong gulang, sakay ng kaniyang Skygo SG125 kung saan totally wreck ang motor nito.
STAR/ File

CAVITE, Philippines — Nagkadurug-durog ang 3 motor makaraang magsalpukan ang mga ito habang bumabagtas sa kahabaan ng Timalan-Sabang Road, Brgy. Timalan Balsahan, Naic kamakalawa ng gabi.

Patay ang security guard na nakilalang si Michael Pascua, nasa hustong gulang, sakay ng kaniyang  Skygo SG125 kung saan totally wreck ang motor nito.

Kasalukuyan namang mga inoobserbahan sa magkakahiwalay na pagamutan ang apat pang biktima na nakilalang sina Eddie R. Talagtag, misis nito na si Wilma na naka-backride sa kanilang Suzuki Smash; Aniceto B. Almazan III at misis nito na si Lourdes na ­angkas sa kanilang Suzuki Smash.

Sa imbestigasyon ng pulisya, alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente sa Alternate Route Timalan-Sabang Road, Brgy. Timalan Balsahan, Naic kung saan pawang bumabagtas ang 3 motor at nauuna ang motor ng namatay na biktima.

Nagmenor umano ang biktima dahil may kadiliman ang bahagi ng kalsada dahilan upang nasalpok ito ng kasunod na motor ng mag-asawang Talagtag at dito na rin sumalpok ang kasunod na motor ng mag-asawang Almazan na nagresulta para magkarambola ang mga ito.

Pawang mabibilis umano ang patakbo ng mga kasunod na motor kaya sa lakas ng impact ay naipit ang namatay na biktima.

Wasak na wasak din ang mga motor na sangkot sa insidente habang naitakbo sa magkahiwalay na pagamutan ang 4 pang biktima na kasalukuyang mga inoobserbahan.

vuukle comment

MICHAEL PASCUA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with