^

Probinsiya

2-anyos isinama sa swimming, patay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MERCEDES, Camarines Norte, Philippines — Masaklap ang sinapit ng isang 2-anyos na batang babae matapos tangayin ng mga alon at malunod nang isama siyang mag-swimming sa dagat ng kanyang pamilya sa Purok 3, Bagong Sibol, Brgy. 5 ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Tinangka pang isugod sa Daet Doctors Hospital sa bayan ng Daet pero idineklarang patay ang biktimang si Jayra Da­niel Pedimonte, residente ng Purok-4, Brgy. 3, Mercedes.

Sa ulat, dakong alas-2:35 ng hapon, isinama ang paslit ng kanyang lolo na si Efren Delos Santos, mga tiya at iba pang kamag-anak sa baybaying dagat para maligo at mag-swimming.

Gayunman, iniwan sandali ng kanyang lolo ang biktima para kumuha ng lulutuing pagkain at habang nagtatampisaw ang paslit sa baybayin nang biglang tangayin ng alon papunta sa gitna.

Agad sumaklolo ang mga nakasaksi pero hindi agad natagpuan ang biktima. Lumipas ang ilang sandali, nakita ang bata na palutang-lutang na sa dagat kaya mabilis na isinugod sa ospital pero hindi na uma­bot nang buhay.

vuukle comment

MASAKLAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with