^

Probinsiya

COVID-19 mass testing inilarga sa Tuguegarao

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 mass testing inilarga sa Tuguegarao
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III, may 3,500 katao ang inaasahang sasalang sa pagsusuri na karamihan ay mga Authorized Person Outside Residence (APOR) gaya ni Soriano at yaong nananatili pa rin sa mga evacuation centers.
The STAR/Michael Varcas , file

Dahil sa nasuway na health protocols

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Libu-libong residente rito ang inaasahang isasa­lang ngayong Martes sa agresibong “mass testing” matapos maisantabi ang panuntunan sa health protocols dahil sa naganap na malawakang pagbaha sa lungsod sanhi ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

Sinabi sa PSN ni City Mayor Jefferson Soriano na pangungunahan niya ang pagsalang sa swab test para mapalakas ang loob ng kanyang mga opisyal para sundan siyang magbigay ng swab samples.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Carlos Cortina III, may 3,500 katao ang inaasahang sasalang sa pagsusuri na karamihan ay mga Authorized Person Outside Residence (APOR) gaya ni Soriano at yaong nananatili pa rin sa mga evacuation centers. 

Ayon kay Cortina, mismong ang National Inter Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases ang nagre?omendang isa­gawa ang mass testing sa lungsod na ito na nalubog sa matinding pagbaha.

Aniya, nais ng awto­ridad na maagapan ang epekto ng nakaraang ka­­lamidad kung saan hindi nasunod ang mga ipina­tutupad na panuntunan tulad ng physical distan­cing, paghuhugas ng kamay, at pagsusuot ng facemask at face shield sa mga evacuation centers at sa pagkakataong isinasagawa ang rescue at relief operations sa mga naapektuhang libu-libong residente. 

Nitong Nobyembre 21, nakapagtala ang City Health Office ng 14 panibagong kaso ng COVID-19 na maaaring nakuha noong kasagsagan ng pagbaha.

vuukle comment

MASS TESTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with