^

Probinsiya

Ambulansya sinalpok ng 10-wheeler: 4 patay

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Ambulansya sinalpok ng 10-wheeler: 4 patay
Sa ulat ni P/Major­ Mar­celito Platino, chief of police dito, kinilala ang mga nasawi na sina Melchor Escandor, 45, may asawa, driver ng ambulansya na na­karehistro sa Albay pro­­­vincial government; Jo­celyn Es­padero; Silvestre Camposanto at 12-anyos na batang si Aljon Gime; pa­wang­ mga taga-Gubat­, Sor­so­gon. Ang isa ay dead-on-the-spot ha­bang­ ang dri­ver­ at dala­­­wang nabang­git ay dead-on-arrival sa ospital­.
STAR/ File

TAGKAWAYAN, Quezon , Philippines — Apat katao ang kumpirmadong patay habang tatlo ang malubhang nasugatan na pawang mga sakay ng Manila bound na ambulansya makaraang­ banggain ng kasalubong na 10-wheeler truck sa kahabaan ng Quirino Highway sa Barangay San Vicente ng bayang ito, kaha­pon ng umaga.

Sa ulat ni P/Major­ Mar­celito Platino, chief of police dito, kinilala ang mga nasawi na sina Melchor Escandor, 45, may asawa, driver ng ambulansya na na­karehistro sa Albay pro­­­vincial government; Jo­celyn Es­padero; Silvestre Camposanto at 12-anyos na batang si Aljon Gime; pa­wang­ mga taga-Gubat­, Sor­so­gon. Ang isa ay dead-on-the-spot ha­bang­ ang dri­ver­ at dala­­­wang nabang­git ay dead-on-arrival sa ospital­.

Ginagamot naman sa Maria Eleazar District Hospital ang iba pang mga sakay ng ambulansya na sina Lanie Escandor, 43; Rose Ann Espineda, 30 at isang 8-anyos na kapatid ni Aljon.

Batay sa imbesti­gas­yon, alas-9:30 ng umaga habang tinata­hak ng ambulansyang­ mina­ma­neho ni Escandor ang highway upang dal­hin sa Maynila ang isa sa mga biktima na pasyente nang kainin ang kanilang linya at banggain ng humahagibis na kasalubong na 10-wheeler Isuzu Giga truck na minamaneho ni Gerardo Bandales.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, nayupi­ ang unahang bahagi ng ambulansya na naging sanhi upang magtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga nasawi. Nahagip­ din ng trak ang naka­paradang van na mi­namaneho ni Domingo Tayoto na mapalad na hindi nasaktan.

Nasa kustodya na ng Tagkawayan Police ang driver ng trak na na­haharap sa patung-patong na kaso.

ESCANDOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with