Karpintero kisay habang nagkukumpuni
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Patay ang isang 27-anyos na karpintero matapos na makuryente habang may inaayos sa isang tent Villamer Compound, Brgy. Perpetual Help sa Iriga City, Camarines Sur kamakalawa ng hapon.
Tinangka pang isugod ng mga sumaklolong residente sa Our Lady of Lourdes Hospital pero hindi na umabot nang buhay ang biktimang si Patrick Bagaporo Milla, binata at residente ng Zone-1, De Lima St., Brgy. San Isidro.
Sa ulat, dakong alas-4 ng hapon habang nagtatrabaho ang biktima nang subukan nitong ihagis ang hawak na tie wire o alambre sa itaas na bahagi ng tent pero aksidenteng sumabit ito sa kable ng kuryente. Sa bilis at lakas ng tumamang boltahe ng kuryente sa katawan ng biktima ay agad siyang nangisay at namatay.
- Latest






















