^

Probinsiya

Bernal at Piolo sumuko’ rin, ginaya si Yamashita sa Ifugao

Raymund Ca­tindig - Pilipino Star Ngayon
Bernal at Piolo sumuko’ rin, ginaya si Yamashita sa Ifugao
Nabatid na sa halip ay humingi na lamang ng mga larawan ng ma­gagandang tanawin sa bayan si Joyce Bernal sa pa­ngambang mabibigo la­mang siya at kanyang grupo sa kanilang hanga­ring makapag-shoot para magamit sa SONA ni Pangulong Duterte.
STAR/ File

Tuguegarao City,  Cagayan, Philippines -- Gaya ni He­neral Tomoyuki Ya­ma­­shita, sumuko na rin ang grupo ng batikang director na si Joyce Bernal at aktor­ na si Piolo Pascual na umasang mapapahintulutan pang makapag-shooting sa Kiangan,  Ifugao noong Martes.

Nabatid na sa halip ay humingi na lamang ng mga larawan ng ma­gagandang tanawin sa bayan si Bernal sa pa­ngambang mabibigo la­mang siya at kanyang grupo sa kanilang hanga­ring makapag-shoot para magamit sa SONA ni Pangulong Duterte.

Sa Kiangan sumuko ang mabagsik na pinuno ng Japanese Imperial Army na si Yamashita na kilala bilang “Tiger Ma­laya” na matagal na tinugis ng mga hukbo ng USAFFE. Ang paglantad ng heneral ay kasunod ng pagsuko ng bansang Japan na nagtuldok sa ikalawang digmaang pan­daigdig noong 1945.

Sinabi sa PSN ni Kia­ngan Mayor Raldis Aldrei Bulayungan na hindi na humarap sa kanyang tang­gapan ang aktor at sa halip ay si Bernal at isang “Sales” ang nakipag-ugnayan sa kanya na tumagal ng sampung minuto.

Ani Bulayungan, na­pagkasunduan ng kanyang staff na bigyan na lamang ng pahintulot si Bernal na mangopya ng mga larawan ng Kiangan sa kanilang social media fan page.

Ayon kay Bulayungan, pinadaan ng COVID-19 checkpoint sa Kiangan ang grupo dahil may taglay silang IATF passes­ na pinagkaloob ng Mala­cañang.

Aniya, sumailalim rin ang grupo sa health check up sa Kapitolyo ng Lagawe bago nagtuloy at nakarating sa kanyang teritoryo pasado alas- 2:00 ng hapon.

Sinabi ng Mayor na sinamahan na lamang ng kanyang Tourism Officer ang grupo ni Bernal at Pascual sa kanilang pagtanaw ng bundok na kinasasadlakan ng bantayog ni Yamashita na noon ay nabalutan ng ulap bago sila nagtuloy ng Baguio City.

Matatandaan na mag­kasunod na pagtataboy ang dinanas ng grupo ni Bernal sa Sagada, Mt. Province at Banaue, Ifugao matapos hindi sila pinahintulutan ng lokal na pamahalaan at mga mamamayan na maglagi doon dahil sa umiiral na lockdown sa mga bisitang mula sa COVID-19 hotspots.

SONA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with