OFW positibo sa COVID-19 sa Abra
TUGUEGARAO CITY ,Philippines — Kinumpirma ni Abra Go-vernor Joy Bernos ang kauna-unahang positibong kaso ng COVID-19 sa Cordillera sa kanyang teritoryo sa isinagawang pagpupulong sa kabisera ng Bangued kahapon.
Ayon kay Bernos, ang pasyente ay isang OFW na dumating sa Manabo noong Marso 8 mula sa United Arab Emirates.
Sinabi ni Bernos na ilan sa mga dinaluhan ng tinukoy na OFW ay ang pagdaraos ng grand parade sa Kawayan Festival sa Bangued nitong buwan at binisita pa nito ang inang nakaratay sa isang Hospital sa La Union nitong Marso 10.
Nitong Biyernes lamang ay namasyal ang OFW sa Barangay Naguilian at Supusup sa bayan ng Sallapadan at dumalo ng libing ng patay sa Barangay Tu-malip, Licuan-Baay, Abra.
Bunga ng mga pangyayari, isinailalim ng gobernador sa community quarantine ang inuwian ng OFW na lugar sa Bara-ngay Katakdegan Nuevo, Manabo habang inum-pisahan nang tukuyin ng Health Authorities ang mga nakasalamuha nito sa ibang lugar.
- Latest