Hepe ng pulisya sa Cebu arestado!
Inmate na bebot, katabi sa pagtulog
MANILA, Philippines — Arestado ang hepe ng Argao Municipal Police Station sa Cebu matapos maaktuhan na natutulog ang dalawang babaeng preso sa loob ng kanyang kuwarto sa isinagawang operasyon ng kanyang mga kabaro kamakalawa.
Kinilala ni Col. Ronald Lee, hepe ng PNP-IMEG ang inaresto na si Major IIdefonso Miranda Jr., habang ang dalawang babaeng inmate ay nakilalang sina Jean Claudia de Guzmam alias Tarya Jr., 23, at Brena Cutillar, 40; pawang nahaharap sa kasong droga.
Ayon kay Lee, alas-11:20 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na elemento ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group, PRO 7-Special Operations Group, Regional Investigation and Detection Management Division at Provincial Intelligence Branch, Cebu Provincial Police Office sa Argao Police Station sa Brgy. Poblacion matapos na makatanggap ng report na may mga babaeng preso ang natutulog sa tanggapan ni Miranda kapalit ng pakikipagtalik sa opisyal. Isa umano sa mga babaeng preso ang ginagamit pa nito bilang katulong sa kanyang tanggapan.
Sa operasyon, naaktuhan na natutulog si Miranda katabi si de Guzman sa loob ng kanyang tanggapan habang si Cutillar ay na-tutulog sa loob ng kanyang quarter.
Agad dinis-armahan si Miranda at kinumpiska ang service firearm na Glock 17, cal. 9 mm pistol, badge nito, at isang Pierto Beretta pistol na may 2 magazine.
Inirekomenda rin ni Lee kay Police Regio-nal Office 7 Director, B/General Albert Ignatius Ferro ang pagsasagawa ng summary dismissal proceedings laban kay Miranda.
Related video:
- Latest