^

Probinsiya

2 top most wanted, 4 pa huli

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
2 top most wanted, 4 pa huli
Ayon naman kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, Cagayan Valley regional police director, ang patuloy na pagtugis sa mga wanted sa rehiyon ay bahagi ng mas pinaigting na “Manhunt Charlie” ng PNP.
STAR/ File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines  – Dalawang tinaguriang top most wanted habang apat na iba pa ang inaresto ng mga operatiba ng Valley cops sa magkakahiwalay na operasyon sa Cagayan Valley, inulat ng pulisya kahapon. Kinilala ni P/Col. Chevalier Iringan, tagapagsalita ng police regional office-02, ang dalawang top most wanted na inaresto sa bisa ng warrant of arrest na sina Rufino Matibla, 57, Top 4 Municipal Level, residente ng Brgy. Wigan, Cordon, Isabela dahil sa kasong Rape at Jerry Boy Macalla, Top 3 Municipal Level, ng Brgy. Palabotan, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya dahil sa paglabag sa R.A. 7610 (Anti-Child Abuse Law).

Ang iba pang dinakip na wanted ay sina Visitacion Lucas Villatoza, 46, isang guro, sa kasong Estafa at Falsification of Public Documents; Steven Batang, 18, ng  Macanaya, Aparri, Cagayan sa kasong Frustrated Homicide; Wilfredo Tamang, 73, ng Barangay Lanna, Tumauini, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Serious Physical Injuries at Ernesto Marcos, 62, ng Brgy. Ineangan, Dupax del Norte, Nueva Vizcaya dahil sa paglabag sa R.A. 7610.

Ayon naman kay P/Brig. Gen. Angelito Casimiro, Cagayan Valley regional police director, ang patuloy na pagtugis sa mga wanted sa rehiyon ay bahagi ng mas pinaigting na “Manhunt Charlie” ng PNP. 

vuukle comment

FRUSTRATED HOMICIDE

VISITACION LUCAS VILLATOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with