^

Probinsiya

P1 bilyong pekeng yosi samsam sa raid, 29 Chinese, 124 pa arestado

Raymund ­Catindig, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
P1 bilyong pekeng yosi samsam sa raid, 29 Chinese, 124 pa arestado
Sa report na ipinalabas ni Central Luzon Police Director Brig. General Rhodel Sermonia, kinumpiska ang tig-limang linya ng cigarette maker at packing machine, dalawang grinders, isang filter maker at maraming kaha para sa mga pinekeng branded na sigarilyo na may kabuuang halaga na P1 bilyon.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasakote ang 153 katao kabilang ang 29 undocumented Chinese nationals na nagpapatakbo ng isang pabrika na gumagawa ng pekeng branded na sigarilyo sa isinagawang pagsa­lakay sa Brgy. Sinipit, Cabiao, Nueva Ecija kamakalawa. 

Sa report na ipinalabas ni Central Luzon Police Director Brig. General Rhodel Sermonia, kinumpiska ang tig-limang linya ng cigarette maker at packing machine, dalawang grinders, isang filter maker at maraming kaha para sa mga pinekeng branded na sigarilyo na may kabuuang halaga na P1 bilyon.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa intellectual property rights ang mga arestado habang isinailalim na rin sa pagsisiyasat ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang Tsino na nagpapatakbo sa pabrika.

Matatandaan na natimbog ng mga awtoridad ang ilang Chinese nationals sa Cauayan City, Isabela na may balak magtayo ng kahalintulad na pabrika roon noong nakaraang taon. Gayunman, hindi sila nakasuhan dahil hindi pa naman nagsimulang mag-operate ang pabrika.

PEKENG YOSI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with