Special child lunod sa palaisdaan
SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Hindi na naisalba ang buhay ng isang “special child” matapos malunod sa isang fishpond sa bayan ng Benito Soliven sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Justine Maldiona, 12-anyos, ng Brgy. District 1 sa nabanggit na bayan.
Sa ulat, alas-8:00 ng gabi nang magtungo ang ama ng biktima na si Mardy sa himpilan ng Benito Soliven Police para ireport na nawawala ang kanyang anak. Dakong alas-9:00 ng gabi na nang makita ang katawan ng bata na pinaniniwalaang nalunod sa isang fishpond sa Brgy. District 2 ng nasabing bayan.
Mabilis siyang isinugod sa pinakamalapit na pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival.
- Latest