Chief tanod inatado ng karpintero
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Isang chief tanod ang humabol sa Undas matapos ataduhin ng kanyang kaalitang karpintero sa bayan ng Aritao ng lalawigang ito, ayon sa ulat hapon.
Kinilala ng Aritao Police ang nasawi na si Rodolfo Cercinia, 44, ng Purok Pariir, Comon, Aritao habang ang suspek ay si Sonny Gelacio, 39, residente rin sa nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-3:30 ng hapon noong Nob. 1 habang nag-iinuman ang biktima at dalawang mga kaibigan na sina Rene Sobereno, 55, isang ring karpintero at Salvador Tucay sa tahanan ng isang Ofelia Jordan sa nasabing lugar nang biglang dumating ang suspek at agad na pinagtataga sina Cercinia at Soberano.
Mabilis na isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima subalit idineklarang dead-on-arrival si Cercinia matapos mapuruhan ng mga taga sa ulo at leeg. Napag-alaman na ang biktima at suspek na si Gelacio na agad inaresto ng mga operatiba ng pulisya ay may matagal na umanong alitan na sanhi ng pananaga.
- Latest




















