Batangas mayor kinasuhan ng utol
BATANGAS, Philippines – Nahaharap ngayon sa kasong administratibo sa Ombudsman ang isang municipal mayor ng Batangas matapos sampahan ng kaso ng sarili nitong kapatid at ilang lokal na opisyal dahil umano sa maanomalyang mga transaksyon sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa ulat, “grave misconduct at gross neglect of duty” ang kinakaharap ni Talisay Mayor Gerry Natanauan, base sa isinampang kaso ng kapatid na si Vice Mayor Charlie Natanauan at sina Sangguniang Kabataan President Nestor Cabrera, Councilor Henry de Leon, dating Association of Barangay Captains (ABC) President Nestor Maala, at dating Konsehal Eugenio Salisi.
Sa 5-pahinang complaint, pinayagan umano ni Mayor Natanauan ang pagbili ng mga gamit na hindi dumaan sa bidding at ang pagbabayad ng bill sa telepono at gas sa pamamagitan ng reimbursements imbes na bayaran ng tseke mula sa lokal na pamahalaan.
“Gerry was accused of allowing the monthly payment for telephone and gasoline expenses amounting to P758,724.41, as well as delayed construction payments worth P30,672,242.23. He was also faulted for failing to submit disbursement vouchers amounting to P9,476,946.79,” nakasaad sa reklamo.
Nagkaroon din umano ang alkalde ng 22 infrastructure projects na nagkakahalaga ng P37,539,849.43 at ang pagbili ng athletic uniforms at snacks sa halagang P766,514.33 na hindi sumailalim sa Government Procurement Reform Act.
- Latest