^

Probinsiya

2 CAFGU tepok sa NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasawi ang dalawang miyembro ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) nang umatake ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na nagpaulan ng bala sa detachment ng CAA sa Brgy. Sallapadan, Abra nitong Huwebes ng umaga.

Sinabi ni Major Amado Gutierrez, spokesman ng Army’s 7th Infantry Division (ID), bandang alas-8:30 ng umaga nang mangyari ang pagha-harass ng mga armadong rebelde sa CAA Detachment sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigasyon, ang mga rebelde ay pumo­sisyon ‘di kalayuan sa nasabing detachment saka nagpa­ulan ng bala.

Nasapul naman ang dalawang CAFGU member na bina­wian ng buhay sa insidente.

Gayunman, hindi muna tinukoy ng opisyal ang pagkakakilanlan sa mga ito dahil kailangan pang impormahan ang kanilang mga pamilya.

Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay gumanti ng putok­ ang mga nagbabantay ditong iba pang CAFGU member hanggang sa magsiatras ang mga kalaban sa takot na abutan ng reinforcement team ng mga sundalo.

Kasalukuyan nang tinutugis ng tropa ng militar ang mga nagsitakas na kalaban.

vuukle comment

CITIZEN ARMED FORCE GEOGRAPHICAL UNIT

NEW PEOPLE’S ARMY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with